|
|
|
May 26th, 2007
11:43 pm - miss ko na sya... meron kami kamag-anak sa California, bale tita ko pero same age group ni ate. siya ang 1st sa Zapata family to become a physician. and her mother is willing to pay for the transportation fee of those who intend to come to their place. her mother even sent dollars for the application fee for the US embassy. but we think lola betty ran out of money when she send us her credit card number, in hope that we could use it to pay for the application fee ($100). pero naawa na kami, kapal naman ng mukha namin kung ipipilit namin na maglabas sya ng pera. $100 is almost P5000, thats a lot of money here, and you can simply think of other things to buy with that(hindi na kami tumuloy, too much financial burden for her).
while filling out the online form, i reminisced something... those days when i was still hoping to go to Canada...
i've been dreaming of her, these past few days. but last night, i think, was the saddest. in my dream, my mom and i went to a seminar in canada, we stayed in a hotel, and to my surprise, she was also there. i really missed her... so, i went to her room, knocked a little, and then she opened the door and smiled at me... i touched her face, as if checking if its really true that she's in front of me... telling to my self... i finally made it, im here...
i wanted to be with her longer but my mom signaled me that the seminar is over and we're going back to the philippines. after landing in NAIA, i promised my self to back there again to visit her...
then i woke up...
maybe... sometimes, dreams come true... but sometimes, they're the exact opposite... Current Mood: sad
|
October 28th, 2006
01:02 am - SCUFAR3 5:30am, Tuesday, October 25 '06, assembly time para sa mga sasali sa SCUFAR3 (State Colleges and Universities Faculty Association Region 3) parang intrams yun para sa mga faculty and staff ng iba't-ibang state universities and colleges sa region 3. host ang PAC (Pampanga Agricultural College) halos nasa paanan na ng Mt.Arayat.
dahil pilipino time, 6am ako dumating dun (kasi pinipilit kong tumae, sa kasamaang palad walang lumabas... BADTRIP talaga kapag hindi ako nakakatae sa umaga!) as expected mas madami pang late kesa sakin (kailangan pa ba imemorize yan?) Victory bus ang ni-rent ng school, pero dahil hindi kakasya yung ganun kadami na sasali, yung iba nauna na nakasakay sa motor (naks, riders! hehehe) yung iba naman nagdala ng van at sasakyan kasi pagkatapos ng SCUFAR3 (Oct 25-27), didiretso na silang Baguio.
kasama sa department namin si Albert, Russell, Sir G, Sir Mel. madami din ako kakilala sa NAPA kasi karamihan sa kanila classmate ko sa CPTE (at pinag-uusapan namin yung isang teacher namin kung anong ibibigay na grade sa amin kasi nagka-isa kami na mga taga BSU na wag magpasa ng project, mga pasaway talaga kami. hehehe!)
Table Tennis po ang sinalihan ko na event, kasi bukod sa Basketball, dito lang ako may konting ibubuga. dala ko yung raketa ko na dinikit ng rugby, kasi luma na at napakahina na ng kapit (ginagamit ko pa to nung HS ako!)
sa bus binigay yung allowance na P500 (per day ang bigay, kasi kapag binuo nila, tulad ko baka umuwi nako agad) saka T-Shirt pang laro namin. tapos nito, medyo matagal na intayan pa... at natuloy din kami umalis.
normal lang ang biyahe, walang ganong trapik. nakakita kami ng malaking bahag-hari (rainbow) sa express way, at lahat kami parang mga bata na napatunganga... (ewan ko ba, nakakatuwa talaga tignan ang bahag-hari...)
pagdating namin dun, malapit na sa paanan ng bundok ng Mt.Arayat, umaambon pang konti. mahabang lakaran kasi malayo yung quarters na nabigay samin. magkakalayo yung 14 schools, kaya kung iisipin nyong mabuti... napakalaki ng PAC! shet, biglang lumiit ang tingin ko sa BSU... mas malaki pa yata to sa UP diliman???
ang una hinanap ng lahat eh yung kwarto na malapit sa banyo, pero napilitan kaming lumipat sa 2nd floor kasi kahoy ang sahig sa itaas, malamig kasi kung sa semento kami matutulog. ang malas lang namin kasi walang pinto yung mga cubicle sa mga banyo ng lalaki!
may opening ceremonies kaya sinuot na namin yung damit namin, kaso pagkatapos ng mahabang lakaran papunta sa field, biglang sumikat ang araw. at syempre pagdating sa grandstand madami ang umalis sa pwesto (pero tinapos ko naman yung lupang hinirang saka invocation)
26 pa ang schedule ng table tennis. 8am. kaya wala akong ginawa maghapon kundi makinuod ng mga events at kumain... at ikondisyon ang sarili ko na kailangan ko tumae. dahil walang pinto ang cubicle, naglakas loob na lang ako na isarado yung pinto ng CR. naupo sa trono at nagconcentrate... (bwahaha!) tapos may lalaki na pumasok, at nakita nya akong nakaupo sa trono ko, nahiya sya at lumabas..
habang kumakain kami ng lunch, may nadinig kami na nagsasabi na ang latest version daw ng encyclopedia ay 2007, pero dahil ayaw padaig ng kausap nya, meron na daw 2010!!! talaga naman, muntik na akong mahulog sa silya ko kakapigil sa pagtawa...
bandang hapon, may nakita ako nung bata ko pa huling nakita... aso na nakasako at pinupukpok para gawing pulutan... nakaka-awa talaga. dapat kasi naka-tali yung aso at matamaan sa buto sa ilong, para hindi na sya makahinga. ang mahirap sa nakasako, tulad nung nakita ko, hindi mo alam kung natatamaan mo ng sakto yung sintido nung aso, kaya umaalingawngaw yung hiyaw nung aso kasi hindi sya ganun kadali namatay sa mga malalakas na palo nung lalaki.. naawa talaga ako... umalis na lang ako dun, baka bangungutin ako...
lahat ng laban pagdating ng gabi ay nauwi sa inuman. hindi ako umorder ng kilawin na aso, kasi hindi ko na kaya kumain ng aso (makakain ko sana yung kung hindi ko nadinig kung pano sya naghirap) naliligo kami ng madaling araw, pampaalis ng amats at para walang makasabay sa umaga.
walang nangyari sa laro namin ng 26, kasi masyado matagal inabot yung mga laro ng singles men and women. sumali na lang ako sa mens doubles, arman ang name ng kakampi ko, isa sya sa mga riders. hehehe.
kain ulit, inuman, ligo, toothbrush, tulog, gising, mumog, hilamos, kain, toothbrush, bihis...
last day na, lalaban na talaga kami. yung naka-praktis ko na mga varsity ng PAC, kasali pala sila sa event. kaso yung kakampi ko nung lumaban ako, college varsity (yung kakampi ko college varsity, yung kalaban pala namin yung kasali sa mens doubles nila, sa practice natalo kami, nanalo, natalo, nanalo, sa deciding game nanalo kami!!!) si arman na kakampi ko taga BSU, hindi pa kami nakapagpraktis ng kaming dalawa yung magkakampi.. yung nagchampion sa mens singles, Tapang yung apelido, taga-NEUST (Nueva Ecija University of Science and Technology) isa syang HALIMAW! langya, ang galing lumaro, ganda ng footwork, ang lalim ng spin, peste wala yatang kahinaan yun... kasali din sya sa doubles, kakampi nya yung coach ata nila. kaso yung tumalo sa kanila, BPSC (Bataan Polytechnic State College) ang naging champion laban sa ASCOT, na tumalo samin. gets nyo ba? to make it short, 3RD kami..
champion naman sa men's basketball, 2nd sa men's volleyball, 2nd women's table tennis (once lang sila lumaban, 2nd na, galing noh?) mga lunch time natapos lahat ng events, overall champion ang CLSU, overall 1st runner up ang NEUST, overall 2nd runner up ang BSU. kaya naman nagtalo kami sa KIA van kasi dapat hindi "overall" ang ginamit na word kundi "overall standing". nauna yung sinakyan namin na Kia na van kesa sa Victory na bus, balak ko kasi magpunta ng BU kaya hindi nako sumakay sa bus. kaso yung teacher na imi-meet ko lumuwas pala. kaya sa BSU na din ako bumaba.
ang pinagkaiba ko sa ibang kong kasama, may medal akong nakuha... pero lahat kami, masaya dahil natapos din yung 3 days na event. next year sa ASCOT daw (Aurora State College of Technology) baka hindi na ko magpunta, ang layo nun... Current Mood: tired
|
October 13th, 2006
12:00 pm - friday the 13th sabi nila malas ang araw na ito...
totoo nga, kasi bigla nasira ang araw ko bandang hapon...
sumakit tiyan ko, umuwi ako pagkatapos ko magpa-exam, at ako ay naTAE...
=====================
minsan may nagtanong sakin: bakit daw ba may mga tao na wala ng ginawa kundi pag-usapan yung ibang tao at mang-api...
sabi ko: ganun talaga... may mga taong namamahiya para magmukha silang magaling. habang namumuna sila at namamahiya ng ibang tao, pakiramdam nila lalo silang gumagaling...
=====================
ang ayoko sa lahat yung may mga tao na nagpaplano pra sa akin... kung may gusto ako at ayaw kong gawin, ako nang bahala dun! sana naman hindi na maulit yung tipong may "role" pala ako sa isang event na ni hindi man lang ako inabisuhan... nakakapeste!!! (tapos kapag umangal ka naman, ikaw pa yung lalabas na kontrabida)
=====================
ayaw ko sa mga taong walang tiwala sa akin, ayaw ko din sa mga taong hindi ako gusto, at lalong mas ayaw ko sa mga taong naiinsecure sakin dahil "threat" ako sa kanila...
sa totoo lang, wala akong paki-alam sa inyo, bahala kayo sa buhay nyo! hindi kasi ako nagsasalita ng hindi maganda sa kapwa ko kapag nakatalikod (back stabber ang tawag dun sa english) meron naman akong alam na english kahit papano, Master of Arts in Philosophy nga daw ako di ba? ok lang kahit non-thesis lang, atleast nakapagtapos ako sa unibersidad na pinapangarap lang ng iba... at kung may sama man ako ng loob sa kapwa ko, nilalayuan ko na lang (kung lumalayo na ako sayo, ibig sabihin may ginawa kang ikinasama ng loob ko, wala kang dapat gawin, basta manahimik ka lang, babalik din ako sa normal)
======================
I FORGIVE BUT I DON'T FORGET...
lahat ng may atraso sakin, hindi ko kinakalimutan, hindi ako yung tipong makikipag plastikan sa iba para lang masabi na "IN" pa din ako... basta gawin mo yung trabaho mo, gagawin ko yung trabaho ko, life must go on... my life doesn't depend on yours... so don't depend your life on mine (but if you prefer to live your "gossiping life" by talking about others... then, something is f**king wrong with you...)
paranoid... Current Mood: annoyed
|
September 30th, 2006
08:33 am - trial lang trial lang
|
September 23rd, 2006
09:49 pm - mr & ms baliuag university sinong mag-aakala na makukuha akong judge sa isang beauty pageant?
ang original plan ko pumunta kina jay pagkatapos ng pageant, kaso nagkaron ng miscommunication kaya andito ako ngayon sa harap ng pc at tinatype ang mga naalala ko...
dahil saturday ngayon, may CPTE classes ako, uniting yun sa education para makakuha ka ng LET, licensure examination for teachers. as usual, nalate ako sa una kong klase, pero wla naman pala silang ginawa kasi may orientation about offerring of special education curriculum. 3 module yun, P6500 yun bawat module. sounds economically viable, pero natuto nako sa MFI, wag kang magpakadalubhasa sa isang course na hindi mo naman ipapractice. mahirap magturo sa mga special children...
pagkatapos ng klase ko, diretso nako sa bahay para maglunch, nagluto yung nanay ko ng adobo, pero kasalukuyan syang naglalaba (weird ba?) pagkatapos ko kumain, pumunta muna akong waltermart, kasi andun ang aking gf.
ang igsi ng suot nya, ang sexy! pero nahiya ako na lumapit sa kanya kasi baka makaistorbo ako sa raket nya.. proud ako kasi hindi sya mapili sa trabaho, kahit pa laitin sya ng iba.. "ano pong ginagamit nyo na toothpaste?"
pagkatapos ko dun, dumiretso nako sa Baliuag University. dun nako tinubuan ng sungay, kasi 4 na taon ako dun nagwork. dun yung pageant. madami nakapansin sakin, yung janitor na si mang ben, yung guard, saka ibang student. bagay daw sakin yung PINK na polo!
unang part ng event yung pagpili sa photogenic, sa CAS department, nakasay ko si selina, yung singer dati. flawless! pagkatapos diretso nako sa gym. pag-akyat ko dahan-dahan ko nadinig yung ingay ng mga estudyante...
"si sir zapata!"
hindi ko alam kung dahil nagulat sila dahil nandun ako or dahil naka-pink ako... anyways, ang gaganda ng mga contestants, at madaming fafa material sa mga guys (uulitin ko lang, hindi ako taga-brokeback mountain) pero kung isasalin sa salitang tambay yung nasa isip ko habang nakikita ko yung mga magaganda at sexy na mga contestants...
"sana matikman ko silang lahat!" hehehe!
tpos naalala ko yung sabi ni ka roger kung pano mo iju-judge yung kasexihan ng isang babae:
"nasa lukso ng dugo!" hahaha!
ang dami ko nakita nagsuot ng thongs at T-back dun, what a wonderful sight! sa casual at formal wear sila humataw, body fit yung karamihan ng suot kaya mas bagay talaga kung walang panty line na babakat (kaya makinis tignan) pero dahil judge ako, hindi ko magamit ang celfone ko para i-video sila or kunan ng pictures.
mga nasa kalagitnaan ng event, hindi ko na matiis ang uhaw, kaya ininom ko na yung mineral water sa table ko. makikita din sa table ko yung calculator ska scoring rubrics ng bawat event. dinalhan kami ng jollibee na hamburger. sumimple ako kumain habang nagkaron ng intermission number. dahil ayaw ko matabunan ng gagawin, inasikaso ko agad yung pagscore sa mga contestants, at pagcompute na din. bago mag-awarding, inubos ko na yung huling parte ng mineral water ko.
awarding na, dahil judge ako, isa ako sa mga magiging presentor, nung ako na yung magpepresent, ang napunta sakin ay yung award na mister ska miss congeniality, nung tumayo ako, umingay ng konti (dahil siguro yun sa mga natitira ko pang student na nakakakilala sakin) at tinawag ng MC yung pangalan ng nanalo na lalaki, binanggit din yung number:
"number 13"
kaso, ibang name yung binanggit, ibang number yung tinawag, dahil nasa stage na si number13, pumunta ako dun para isabit yung sash... kaso dahil mali nga, bumaba ako para klaruhin kung ano nangyari. hindi ko inaasahan na yung sinabitan ko ng sash eh huhubarin yung award na nakuha nya para ibigay duon sa talagang nanalo! yun ang tunay na sports! nung tinawag na yung miss congeniality, siyempre hindi na ako nagkamali ng binigyan ng award. mahina lang talaga ako at mahiyain, kaya hindi ako nakakuha ng kiss dun sa babae na sinabitan ko ng sash, sayang!
pagkatapos ng event, nagbalik kami sa CAS department para kumain ng dinner, jollibee pa din. shet, purga nako, pati hininga ko amoy burger. pero busog, pati sa kwentuhan at kamustahan. akala nila malaki kinikita ko sa BSU, pero nalaman nila na mas malaki na kinikita nila sakin, sa pamasahe lang ako nakakatipid.
bago umuwi inabot sakin ni elen yung certificate ko (sir bong, dalaga pa yang si mam elen, matagal ko na sinasabi syo, ayaw mo lang itext! hindi ko kasi tinatalo yung mga barkada ko, pag barkada, pag kaibigan, hanggang dun lang, tapat ako sa salita ko) tapos may binigay sakin na bitbit. yung katulad ng inaalay sa simbahan, yung nakabalot sa plastic na makintab, pero hindi prutas yung laman. may fresh milk, lays, fruit cocktail, grapejuice, oatmeal. grabe, naalala ko tuloy kapag christmas party dun sa BU, meron pabaon kapag pasko.
nung uwian, nakasabay ko si mam lea, kapatid nya na pari (siya yung isa sa MC), si michael (mga players ko ng table tennis, sya magiging coach nyo), si mam rose at ryan, si ofel. dahil tinukso nila ako sa jeep, nilibre ko na sila ng pamasahe.
pagdating ko sa bahay saka nagtext sakin si ramil kung nasan na daw ako at hinahanap ko ni jay sa inuman, dito ko lang nalaman na natuloy pala ang inuman... Current Mood: touched Current Music: pink - aerosmith
|
September 12th, 2006
07:13 pm - Intrams: Table Tennis last Monday nagstart ang Intrams... dahil wala pang sweldo, hindi ko mapamerienda ang mga players ko... yup, you heard it right, may players ako.
coach ako ng table tennis team ng ISSP. ang angas noh? ;)
nagdraw lots kami nung bandang 12pm, pagkatapos ng opening ceremonies sa gym ng bsu. at ang napili ng single A and B ko ay ang team ng ICE... na defending champion pala... yung game ng singles women nung afternoon ginanap, syempre burado sa balat ng BSU yung team ko, makalaban mo ba naman yung defending champion di ba!?
hindi naman sila sadista, kasi naka score naman kami kahit papano. hehehe.
kanina umaga yung mens singles. ganun din ang kwento, dahil ka bracket namin yung defending champion, natunaw ang pag-asa namin...
nagbunutan ulit ng bracket para sa doubles event, proud ako kasi yung mens doubles ko nung Wednesday ko lang tinuruan, nun lang sila natuto magtable tennis. bwahahaha! tapos sila yung ilalaban ng college namin. astig noh?
double elimination ang doubles event, kaya medyo nainip kami... hindi dahil sa nag-iintay kami ng makakalaban, naiinip kami kasi gusto na namin matalo para makauwi kami... hehehe.
nakakapagod lang, pero sinabi nila, at sinabi ko din sa sarili ko...
NEXT YEAR, BABAWI KAMI...
ps. salamat po kina tito lotty sa raketa at net na binigay nila sa amin (yun ang ginamit ng mga bata kasi wala pa silang raketa) yung table ng table tennis hindi na namin magamit kasi wala na kami stand, kinain na ng mga anay.. Current Mood: pleased
|
September 8th, 2006
07:04 am - haba birdie 2 me... bakit ba wala akong maikwento... kasi walang kwenta ang araw ko kahapon, bday ko pa naman...
unang bumati sakin... hmmm, madami na nung mga nakaraang araw pa: si armie restua, mga tao sa guidance ng BU: si mam arlene, si kristel, mam lee, ka roger. at si ate Malou ng DTI, pinahiram nya ako ng DVD tungkol sa Da Vinci. thanks!
at kahapon naman, ang mga bumati sakin through text message: si Dean Ray Naguit, mam Kath, mam Lolit ng St. Mary's Baliuag, si ate sol, ate tess, Russell, Billy, mam Dolor, sir Roy, suzi, melai, ms. Gomez ng BEED 3G, jay the pogi, mga students ko dati sa Baliuag, BSN 4th year students na sila ngayon, sir Bong, andrea, ms. lara beltran (ms. bsu nursing 2006), si jesamine bumati din, kaso past 11pm nung sept 6, counted na yun as sept.7, round off! hehehe. isa lang ang tumawag sakin sa cellphone para bumati, ramil. (hindi kami taga-broke back mountain noh!)
ang mga bumati naman ng pahabol ngayon lang: si ankong, thanks po!
mga bumati dahil sinabi ko na bday ko: diane (uy, hanap mo pa ako ng ibang jobs, yung malapit lang dito sa malolos), andrea valera, lhizel.
syempre binati din ako ng gf ko, kaso naalala nya lang dahil sa reminder nya sa cellphone (hay...) busy kasi sya, nag-aapply ng job as english instructor ng mga Korean kids...
kaka-check ko lang ng YM, wala din nag-leave ng offline message...
------------------------
kahapon pagka gising ko, kumain ako ng breakfast at natulog ulit. nagising ako mga bandang 10am (hindi ako pumasok, pero nasabihan ko naman mga students ko na hindi ako makakapasok). tapos nagtext sakin yung mga players ko sa table tennis (yup! ako coach ng ISSP table tennis sa Intrams) tinatanong kung wala daw ba silang merienda man lang.. dahil bday ko, nagpunta ako ng BSU, kaso wla talaga akong pera. ngayon lang ako naubusan, kasi madami ako ginastos nung nakaraang araw, kahit naaawa nako sa kanila, sa pagpapakamatay nila magpraktis, wala din ako maibigay (sorry, babawi talaga ako pag nagkasweldo ngayon!) hindi nila alam na bday ko, kaya siguro sinabi nilang joke lang yung pagtext nila sakin...
umalis agad ako sa BSU, kasi dinalaw ko si tatang sa Veterance hospital, naoperahan siya. 83years old na pala lolo ko. nag-split yung buto nya sa left leg, ang sakit nun!!! tapos nilagyan ng bakal para maghilom yung buto.. ang nakakainis lang, napakainit sa biyahe, ang init ng araw kasi hapon, tapos pagdating ko sa veterance, biglang umulan! pak shet talaga! naabutan ko dun si joan (pinsan ko, kakatapos lang ikasal) saka si edmon, kuya nya. syempre andun si tatang, obvious ba!? after 30mins dumating si inang saka si tito romy, paalis na din kasi ako nun kaya nagpaalam na ako..
sakay agad ng jeep papuntang MRT, kasi may bibilin akong book sa StarMall sa edsa crossing. pagdating ko dun, hinanap ko agad yung lugar. mula 3rd floor, bumaba ako papuntang 1st floor, hindi ko na makita yung stall ng booksale, kaya umakyat ulit ako sa 3rd floor, baka sakaling maalala ko yung dinaanan ko dati, kaso wala talaga, kya bumaba ulit ako. at nung pagod nako, ako ay nagtanong sa security guard:
"manong san po yung book sale?"
ayun! bwiset!!! kaya pala hindi ko makita, kasi yung dadaanan hindi halata, parang parte lang ng isang boutique. nakapunta na ko dun dati, hindi ko lang siguro naalala yung dinaanan ko kasi sa ibang part ako ng mall pumasok dati.
ang pamagat nung libro: "crime and punishment" by Fyodor M Dostoevsky (how do you pronounce this???)
kaso wala na dun yung libro!!! badtrip talaga!!! 2 copies pa naman yun...
umalis akong StarMall at lumipat sa Shangri La, kasi hindi alam ng gf ko kung pano magpunta sa StarMall (magkatapat lang naman yun). kumain kami sa tokyo-tokyo, medyo masakit na ulo ko kasi nalipasan na ako ng gutom.. at umulan nanaman ng malakas..
wala ng special na nangyari, uwian na, tapos pagdating ko dito sa bahay, natulog na ako..
pero nalungkot ako kasi yung mga nilibre ko ng lunch sa BSU (care of ate ana, na hindi ko pa nababayaran, mamaya siguro) sila pa yung hindi nagtext sakin.. sabi ni ate ana 11 daw yung kumuha sa kanya ng lunch, sa mga yun siguro 5 lang ang bumati sakin sa text.. sinadya ko kasi na wag magpakita kahapon sa faculty room.. yung 5 lang yung naka-alala sakin..
yung iba..? nakakalungkot lang kasi alam mo yun.. bday ko kahapon, kung babatiin nila ako ngayon, tapos na di ba? ano ba naman yung piso or isang text, mahirap ba batiin yung isang tao? kailangan ba may rason pa para lang batiin ka?
na-realize ko tuloy.. kahit yata mamatay ako kahapon, iilan lang yung makaka-aalala sakin.. Current Mood: lonely
|
August 26th, 2006
07:57 pm - Transcriptionist mahirap pala yung trabaho ng transcriptionist...
sa mga hindi nakaka-alam, meron audio file na dapat mong "isatitik", ibig sabihin kailangan mo gawin document...
wala naman masama kung itatry ko di ba... inabot yung 15 minutes ng mahigit 4 hours! bwiset!
afa_midc.xxx [middle of the file] [20:59:03]
A: uh. um. what the, when did you, um. B: maybe the territory of the, you know, um. uh. A: so -- now that you mentioned the, um B: lets go off.
[end of conversation]
ang sakit sa mata, ang sakit sa ulo, ang sakit sa tenga... Current Mood: sleepy
|
August 11th, 2006
06:55 pm - Creative Vista Plus! bwahaha!!!
may webcam na ako!!!
kahit 352 x 288 lang yung resolution, ok na din! Current Mood: creative
|
11:15 am - The Joys of Sex... and MORE! yung nabili ko dati sa book sale na illustrated version about sex, na nagkakahalaga ng P375 ay may kadugtong... nagpunta akong edsa crossing kahapon, sa starmall para bumili ng harddisk ng laptop and guess what...
NAKITA KO YUNG KASUNOD NA EDITION NUNG LIBRO!!!! hayup!!! kung pwede lang sumigaw, ginawa ko na sa sobrang tuwa!!!
swerte talaga ako... bakit kya? siguro dahil kasama ko yung napakasexy at napakaganda kong ka-date... hehehe.
yung book ay P220 lang. syempre, ibang illustrations na yung nakalagay dun.
collector's item yata yun... at wala akong balak na ibenta kahit kanino.. hehehe! Current Mood: pleased
|
August 8th, 2006
08:41 am - WALLET!!! ang sarap kumain ng lunch...
lalo na pag nalaman mong wala ka palang wallet na dala!!!
namutla siguro ako nung malaman ko na wala akong wallet na dala. eh nakakahiya na sabihin sa tindera na nawawala yung wallet ko, faculty pa naman ako sa BSU. buti na lang andun si Sir G, nadaan sya dun sa karinderya kasi kakausapin nya yung may-ari. para naman hindi nakakahiya, tinext ko sya:
"sir, may P50 ka ba dyan, nawawala pa la yung wallet ko..."
pinahiram nya ako ng P100. pagkatapos nun, hinanap ko kung saang lupalop ko naiwala yung wallet ko (may laman yung P500, ATM saka Driver's License)
sa kabutihang palad, nakita ko naman sya! balak ko na nga hindi magklase sa sobrang tuwa ko. hehehe.
sabi ko nga kay bobby: "mabait talaga ang diyos sa akin..." kaya sinabi nya manlibre daw ako. sabi ko saka na, pag binigay na nya yung talagang gusto ko. ayos! ;-) Current Mood: happy
|
August 7th, 2006
06:01 pm - lagro loob lumuwas ako nung SAT, umabsent pa nga ako, tapos nagkaron pala kami ng quiz sa Measurement and Evaluation... well, ok lang, kasi...
sakto nung dumating ako sa Lagro, nakasalubong ko si bertday boy, and guess what, maglalaro sya ng badminton. buti may dala akong damit, kaya sakto talaga!
andun din yung 2 nyang friends... hehehe! (babae kasi)
yun first time ko maglaro ng badminton sa badminton court! kasi dati puro sa kalsada lang, tapos yung raketa na nababaluktot yung gamit ko.
lahat ng nagiging kakampi ko natatalo... bwahaha! (grandslam ako sa pagkatalo!) ok lang, naintindihan naman nila situation ko. naka-2hours kami, walang pahinga. kaya kinabukasan, ang sakit ng katawan ko...
bukod sa mga bisita ng bertday boy, nandun din si marc (dating supremo ng UP Kapitas) at si jay boy. kwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa buhay, kung sino unang makakapag asawa, etc.
kahit umuulan, nagpasama muna ako na kunin yung NARUTO2 dvd movie, sa barkada ko nung HS, si erwyne, may asawa na sya (hottie!) rokista yun, long hair nga nung magkita kami. taga-Valenzuela talaga sya, nasa fairview na nakatira, malapit sa Fatima Nursing.
nauna umuwi si jay, may family lakad daw sila. bandang 1am umuwi na din si marc. kaya sa mga bisita, ako lang naiwan (hindi kami nag-BROKE BACK MOUNTAIN noh!!!)
at nagkwento na si bertday boy tungkol sa kanyang love life... sa mga isyung napag-usapan namin, dito ako napag-isip ng todo:
"RISK is a non-significant factor... if you LOVE the person..."
astig noh! ganyan talaga pag malalim ang pinag-uusapan (at lasing pa!) may tindahan na din sa kanila, naalala ko nga yung tindahan namin, sana maging successful din yung business nila.
kinabukasan pag uwi ko, may binisita akong special na tao (galit sya sakin ngayon, kasi hindi na nya mabuksan yung email add nya... sorry po!) Current Mood: surprised
|
August 3rd, 2006
05:44 pm - bakit kaya ganun mga babae... sa wakas!!!
nakakadaan na din sa tulay ng bocaue... hindi na masyado trapik..
nung isang araw meron akong natutunan, ASTIG!!!
yung buto pala ng avocado, pwede makasulat sa damit!!! hindi ko alam kung paano maglagay ng pics dito sa update ko, baka pwede nyo akong turuan???
alam ko lang mag-upload ng pics sa gallery section. pero hindi ko alam kung pano maglagay mismo dito sa update page...
mga babae... ang bilis magbago ng isip... hay naku... Current Mood: confused
|
July 27th, 2006
06:42 pm - KAPITAS NIGHT!!! kapitas night na tomorrow...
pang ilang kapitas night ko na ba? madami na din... mga tatlo? hehehe...
masaya, kasi makikita mo yung mga kaklase mo dati, kumustahan, balitaan kung anong mga latest. karamihan sa kanila kumuha ng law, yung iba nasa call center. ako lang yata ang natatanging naging GURO... what a waste! :-(
nung isang linggo nagsulat ako ng kung ano2 sa desk ko... hindi ko na masyado matandaan, pero sinulat ko yun kasi sobrang badtrip na ako...
wednesday (a.m.) july 19, 2006
"mahirap baguhin ang kapalaran, dahil wala kang kalaban-laban..."
wednesday (p.m.)
"daig ng maagap ang masikap, pero nakatadhana na ang lahat...
kinabukasan... (a.m.)
"kung nadadaan lang sa sorry ang lahat, hindi na sana kailangan ang mga pulis..."
(p.m.)
"kung badtrip ka, manuod ka na lang ng sine (eheads version) di ba huwebes ngayon, baka may bago ng palabas..."
dahil desk ko yun, siguro naman may karapatan ako magsulat ng kahit anong gusto ko dun diba? kung mabasa nila, kasalanan ko ba yun? eh hindi naman para sa kanila yun...
dalawang tao ang binigyan ko ng paliwanag kung bakit ko yun ginawa, pero isa lang sa kanila yung sinabihan ko ng totoong dahilan... bakit kya??? (use your logic!) Current Mood: pissed off Current Music: beer -- itchyworms
|
July 24th, 2006
11:19 am - post wedding syndrome dumating kami sa kasal, picture taking na!
pero ok lang, kasi handaan na yung kasunod nun! bwahaha.
walang official photographer, kasi wala atang budget, ok lang naman yun. madami naman nagdala ng digicam saka digirecorder. pagdating sa reception, dun lang sa mga lola ko yun. ako na humawak ng camera, lahat ng kumakain, kahit hindi ko kilala, kunan ng picture yan!!!
masarap ang pagkain, masarap naman basta libre di ba? ;-)
*nga pala, walang wedding cake... sayang! mura lang naman half roll ng chocolate cake sa goldilocks... pero ganun talaga, mahirap ang buhay...
yung ribbon hindi ko nasalo, pero ok lang kasi pinsan ko yung nakasalo ng bouquet, pag nagkataon... incest! (nyahaha!)
tapos nung ayaw mag-tukaan nung mga kalapati, sabi ko "kyo na lang magtukaan para gayahin kayo ng mga ibon" (at naniwala nga sila sakin... hay naku...)
dahil madami akong nakain, inantok ako (ito ang matutunan natin sa mga baboy...)
*pagkatapos ng tanghalian, biglang umalis yung sa side nung lalaki, taga-nueva ecija kasi sila... naisip ko lang, parang mali... kasi iniwan ng pinsan ko yung mga bisita nya. :-(
pagdating sa bahay tapos na magplantsa si ate, may alaga yung pusa, may lupa syang hinahanda sa isang lalagyan kasi dun tumatae yung pusa namin. dahil basa yung mga reserba nyang buhangin...
naisipan nyang PLANTSAHIN yung mga buhangin... (ate ko yan, wala akong magagawa...) Current Mood: loved
|
July 23rd, 2006
08:40 am - kasal-kasalan... meron akong pinsan na nakipagtanan, si joan. kasing tanda lang siya ng bunso namin. ka-textmate nya yung mapapangasawa nya... what a love story, tatak pinoy!
ikakasal na sya ngayon! ;-) at kahapon ko lang nalaman, bridesmaid pala si RV!
ligo muna ako. puntahan ko yung pinsan ko si MJ mamaya, sasabay kasi siya sakin magpunta dun, binata na daw kasi sya kaya ayaw na nya sumabay kina tita chit. (naks! tule na! hehehe.) Current Mood: amused
|
July 21st, 2006
08:55 pm - microsoft XP hala, lagot...
meron nang lumabas na message sa pc ko: "you may be a victim of software counterfeiting.."
kasi naman, natrace ng microsoft yung pirated OS ko... hala... lagot talaga...
nakakairita lang yung message, tuwing nag-oopen saka pag turn-off nung windows.. Current Mood: scared
|
July 15th, 2006
08:31 pm - masakit ang ulo.. may kaibigan ako, si andrea, na may kaibigan na sumali sa pinoy pop super star, si patrick, hindi sya nanalo pero magaling daw sya kumanta sabi ng mga kapatid ko, hindi ko napanuod dahil nanlibre si bobby na kumain sa may capitolyo, na kaibigan ni piya, na kaibigan din ni cathy, na kilala din si patrick...
2 araw ako ng LBM... ok naman, hindi pa tubig yung lumalabas... buhay pa nman ako, kaya nga lang, masakit na ulo ko... balak ko magpatingin tomorrow... sana buhay pa ako by that time...
naniniwala ba kayo sa destiny???
ako???
malapit na... Current Mood: crazy
|
July 14th, 2006
11:04 am - walang pasok!!! hay naku... ano kaya magandang gawin pag walang pasok?
pumapatak nanaman ang ulan sa bubong ng bahay, di maiwasang gumawa ng di inaasang bagay... radyo, tv at mga lumang komiks, wala ng ibang mapaglibangan, at kung meron kang tatawagan (tiyak mapuputol ang internent mo, haaaayyyy)
basketball sa banyo???
|
|
|